Saan kaya kinuha ni Madam Engineer ang kanyang 80 milyon na halaga ng ari-arian, hindi naman ito galing sa prominenteng pamilya? Ito umano ang nakalagay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth. May naamoy ba kayo mga kabayan?
Hindi kaya mula ito sa kanyang mga kinita sa mga under the table? Sabagay protector daw ito ng POGO at ang daming buildings na ginagawa sa Lungsod na kanyang pinaglilingkuran.
Magkano kaya ang hatag? Kahit despalinghado ang mga papel sa kanyang tanggapan. Aprub without thingking! Maibalita nga sa ARTA, para maimbestigahan.
Teka, may reklamo daw kay Engineer. Biruin mo pati JUDGE, hiningan ng 800k. Permit ng Building ganito na ba kamahal ang pirma nila. Kahit bayad kana sa TREASURY?
Ay naku, kaya pala may panghatag ito sa kanyang BF na tumakbong Mayor. Ilang mga structure and buildings ang ginagawa sa CITY. Hindi nakakapag taka na may panghatag.
Well, bubusisiin natin ang SALN ni Madam Engineer, para makita natin kung paano siya kumita ng daang milyon? Nakalagay kaya ang kanyang Fortuner, Pick Up na 150, HONDA VRB at Wigo.
***
TAMPERING OF RECEIPTS KAY MADAM ENGINEER
HINDI pala iba o bago kay Madam Engineer ang TAMPERING OF RECEIPT dahil practice na pala ito sa kanyang tanggapan. Alam kaya ito ng pamahalaang lokal? O baka naman nakikinabang sila!
Balita ko may sinibak na sa kanyang tanggapan at maging sa treasury dahil sa isyu ng RECEIPT. Dapat si Madam Engineer ang nasibak. Tama po ba ako? O baka may naamoy kayo?
Anyway, magaling daw ito maghatag kaya hindi nasisibak. Ito ang kanyang ipinakakalat na balita. Malakas ako kay Mayor at Congressman. Aba! Mukhang may naamoy akong nabubulok!
Sabagay, tila may katotohanan ang balita dahil mahilig daw talaga itong mag regalo ng branded na damit bag, at higit sa lahat kotse? Saan niya kinukuha ang mga pang regalo?
Kay Mayor pa kaya at kay Congressman. Magkano? Ang hatag! Hala ka, umuulan ang biyayaya. Mapapa Sana all ka na lang! Kaya pala pikit ang kanilang mata dahil may anomalya.
Sa mga susunod na araw, ilalathala natin ang mga dokumento mga patunay sa ating nga aligasyon. EBIDENSYA BA! Tama ba ako Madam? Isama na natin BF mo para masaya. May susunod pa!
More Stories
MAKABAGONG MAKAPILI SA PCG