BAGONG BARRIO, Lungsod Kalookan — Akala nami’y noong panahon lang ng Hapon o noong sinakop tayo ng Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay saka lang may mga kababayan nating kinikilalang mga ‘Makapili’ dahil tinulungan nila ang mga kalaban. Subalit ngayon pala’y mayroon ding katulad nila at ang tawag sa kanila’y mga ‘Makabagong Makapili’.
Ito nga ang pinaiimbestigahan ng ating butihing kinatawan ng Surigao del Norte na si Robert Ace Barbers fahil nais niyang kilalanin ang mga ito at panagutin sa pag-recruit at facilitate ng pagpagpasok ng hindi bababa sa 36 na Chinese national bilang miyembro ng ating Philippine Coast Guard Auxiliary Corps (PCG-AC).
Nagmula ang bansag ng ‘Makapili’ sa pangalan ng grupong Makabayang Katipunan ng mga Pilipino (Patriotic Association of Filipinos), na binuo noong World War II para makipagsabuwatan sa Imperial Japanese Army sa pagsakop ng ating bansa.
Mismong si Philippine Coast Guard commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang umamin na may ilang dating opisyal ng PCG ang nag-recruit sa may 36 na mga Chinese national bilang kasapi ng PCG-AC.
Sinasabing naninilbihan ang nasabing mga fayuhan sa PCG sa nakalipas na tatlong taon subalit hindi matiyak kung anu-ano ang nagging mga rangko nila na maaaring admiral (4 star general), vice-admiral (3-star general), rear admiral (two-star general), commodore (one-star general), captain (full colonel), commander (lieutenant colonel), at iba pa.
More Stories