Ni Tracy Cabrera
MAYNILA — Noong halalan ng 1935, hindi sina Manuel Quezon o Emilio Aguinaldo ang pinakamakulay na kandidato. Habang sila nga ang nag-headline sa mga kandidato sa pagka-pangulo, katungali din nila ang isang independent candidate mula sa Cebu na si Pascual Racuyal.
Masasabing kakaiba si Racuyal dahil tumakbo siya sa eleksyon laban kina Aguinaldo, Quezon, Gregorio Aglipay, Ferdinand Marcos at maging kay Corazon Aquino.
Tinuran mang isang baliw, kakaiba pa rin ang pagkatao ni Pascual Racuyal. Lumaki sa Cebu City, sinasabing isa siyang mekaniko o basurero bago nagdesisyon siyang lumipad parungong Maynila upang tuparin ang pangarap na maging presidente ng Republika.
Habang hindi naman sineryoso ang kanyang pagkandidato, nagging isa pa rin siyang ‘media darling’ at kalaunan isa ring bayani at payaso na lito sa ilusyon at reyalidad. Sa paglipas ng panaho, itinuring siyang bahagi ng eleksyon sa panahon ng pangangampanya—isang sideshow na kasama sa pagboto ng mamamayan.
Kaya simulant natin noong 1935. Ito ang unang pagkakataong tumakbo si Racuyal. Nasa 24 o 25 taong gulang siya noon at ang katunggali ay sina Aguinaldo at Quezon. Naipanalo ito ng huli habang nagtapos si Racuyal dala ang 158 boto.
Sa pagsapit ng taong 1952, nagdesisyon uli si Racuyal na tumakbong muli; this time, inimbitahan niya sina Ramon Magsaysay, Arsenio Lacson, Lorenzo Tañada at Trinidad Legarda na maging running mates niya. Gaya ng inaasahan, walang pumatol sa kanyang imbitasyon. Inilarawan nga siya ni Lacson, na noo’y alcalde ng Maynila: “Strictly fiction, utterly fantastic, and incredible.” Ang nagwagi noon ay si Mambo Magsaysay.
Makalipas ang apat na taon, muling sumubok si Racuyal para labanan sina Jose Yulo, Manuel Manahan, Claro M. Recto at siyempre, Carlos P. Garcia, na siyang nagwagi sa halalan.
Ganito rin ang nagging kuwento ni Racuyal noong 1969. Hinamon niya si Pangulong Marcos at Senador Sergio Osmeña sa isang debate sa Plaza Miranda. Tumanggi ang dalawa. Nakakatuwa pa ring malaman na pumangatlo siya sa dalawang beteranong politiko sa lalawigan ng Rizal sa naitala niyang 79 noyo. Sa katapusan, nakakuha pa rin siya ng 778 boto.
Sa pagtakbo, may plano din naman si Racuyal. Sa kanyang 10-point agenda, marami siyang adhikaing polisiya at programa, kabilang na ang pagsulong ng isang standard calendar na may 30 araw kada buwan o 13 buwan kada taon; isang top-secret system ng mga dike para lutasin ang pagbaha sa Central Luzon, paggamit ng algebraic-geometric detection code para linisin ang pamahalaan sa graft and corruption, pagpapatayo ng mga plastik na kalsada sa Mindanao, pagbuwag sa mga sanggunian sa iba’t ibang munisipyo at ang surprise blitzkrieg helicopter raid sa mga gangsters, racketeer at iba pang mga kriminal.
More Stories