December 22, 2024

Illegal na pasugalan sa Zambales nagdulot ng panibagong kritiko

 Gov. Ebdane Jr., PD PCol. Pangan Jr, galaw galaw naman  dyan…

HULI KA DYARYO NEWS TEAM
(with Denver Barzaga)

Ang illegal na pagsusugal ay nagdudulot ng malalaking legal na panganib, na nakakaapekto sa mga indibidwal at komunidad.
Sa Barangay Malabago bayan ng Santa Cruz Zambales, Bara­ngay Bayto Bayan ng Santa Cruz, Barangay Lukabon North bayan, Barangay Sinabakan bayan Cande­laria, Barangay San vicente bayan ng Palawig, Barangay Bulawin bayan ng Palawig Zambales (malapit sa covered court, Bayan ng Iba Zambales (Malapit easylite home lightings trading, Bayan ng Butulan Zambales (in front of Balin Pamana Botolan Heritage Center at Barangay Dolores bayan ng Cabangan Zambales.
Ang kamalayan sa mga kahihinatnan nito ay napakahalaga. Ang pagtugon sa isyung ito ay kinabibilangan ng pag-unawa sa mga legal na implikasyon nito, na maaaring magbigay ng mahaha­lagang insight sa paglaban sa mga naturang aktibidad.
Ang pag-operate sa illegal na pagsusugal sa Pilipinas ay may matinding balidong implikasyon. Ang mga lalabag ay nahaharap sa mga parusa na nakabalangkas sa Republic Act No. 9287, kabilang ang mga multa at pagkakulong.
Layunin ng batas na pigilan ang mga gawaing ipinagbabawal na pagsusugal upang maprotektahan ang kapakanan ng publiko at pambansang seguridad. Bukod pa rito, ang pagkakasangkot sa mga underground na operasyon ng pagsusugal ay maaaring magresulta sa pagkum­piska ng mga ari-arian at pagsasara ng mga establisyimento.
May nagsusugal na menor de edad ito ay may parusa ayon sa batas.
Bukod dito, ang mga indibidwal ay maaaring harapin ang panlipunang stigma at madungis na reputasyon. Ang pag-unawa sa mga legal na epektong ito ay mahalaga upang hadlangan ang pakikilahok at pangalagaan ang mga indibidwal at komunidad mula sa mga masasamang epekto ng illegal na pagsusugal.
Kung sangkot sa illegal na pagsusugal, gawin ang mga hakbang na ito: 1. Humingi tayo kaagad ng legal na payo. 2. Makipagtulu­ngan tayo sa mga awtoridad. 3. Iwasan bnatin ang karagdagang pakikisangkot sa mga ipinagbabawal na gawain. 4. Unawain natin ang mga kahihinatnan. 5. Humingi tayo ng suporta mula sa pamilya at mga kaibigan. Unahin natin ang pagsunod sa mga batas para mabawasan ang mga legal na epekto at mapangalagaan ang personal na kagalingan.
Pero paano mismo ang nasa puwesto na nasa mataas na opisyales ng PNP o mga public officials ay siyang padrino sa naglipana na sugalan sa Pro­binsya ng Zambales.
Mga Illegal na aktibidad: Para iwasan ang legal na problema, dapat mong ihinto agad ang anumang ilegal na aktibidad sa paglalaro.
Sir aksyunan nyo na po ang problemang ito sa karatig bayan ng Zambales PNP Police Regional Director PBriGen Jose Hidalgo Jr. PNP ZambalesPolice Provincial Director PCol. Ricardo Pangan Jr.
Sa kaliwa’t kanang imbistigasyon ng senado kaugnay sa illegal na gambling ngunit tila bulag pipi lang naman ang kinauukulan. Tagos lang sa kaliwang tenga. ­Inutil din na pagka opisyles mukhang walang silbi pwe! hindi binibigyan ng pansin.
Kamakailan ay ipinatwag ng House Committee on Public Order and Safety ang lahat ng regional directors ng Philippine National Police (PNP) para sa paliwanag kaugnay ng napaulat na paglaganap ng mga bawal na aktibidad sa pagsusugal sa loob ng kani-kanilang hurisdiksyon.
Ito ay matapos gawin ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang panukala sa pagdi­nig House Resolution 1549, na tumutugon sa nagaganap na operasyon ng ilegal na sugal isa na dito ang Zambales na parang impiyerno na ang lugar dahil sa talamak na masyado ang illegal na gambling nakikita ba ito ni Go­vernor Hermogenes Ebdane, PNP Police Regional Director, RD PNP region 3 PBriGen Jose Hidalgo Jr. PNP ZambalesPolice Provincial Director PCol. Ricardo Pangan Jr. itong mga tao na to ang may malakas na kapangyarihan para mabura sa mapa ang mga sugalan sa kanilang probinsya .
Sa pandinig sa senado binigyang-diin ng isang senador na mala­king hamon sa pagsugpo sa ilegal na sugal ang pagkakasangkot ng mga lokal na opisyal, kabilang ang mga pulitiko. Dagdag pa napakahalaga ng political will sa pagresolba sa problema ng ilegal na sugal. Kung ayaw mo, hindi mangyayari kung mayor ka. Di ba?
Kahit anong usapan natin dito, walang mangyayari kung hindi titigil. Bata pa lang tayong lahat sinisiyasat na ng Kongreso at Senado ang illegal na sugal, ngunit walang nagbago. Dapat kumilos ang lahat na opisyales dahil naging malala na ang sugal. Kailangan gumawa ng mga paghahambing sa pagitan ng mga pangyayari sa iba’t ibang lugar ng Zambales regarding the resolution tungkol sa sugalan. Igalang ang kahilingan na imbitahan ang bawat regional director para sa isang layuning mahalagang paksa.
Kung patuloy na walang tigil pa rin ang paglaganap sa illegal na sugal sa tingin natin dapat sampahan ng kaso ang lahat ng regional PNP directors ito naman talaga ay may existing law. Kaya command of responsibility pa rin ng PNP at Governor ng Zambales ang mga illegal sa nasabing pro­binsya na kanilang area of responsibility lalo na sa karatig pook na sobrang lantaran na. As in!
Patuloy ang HULI KA ­DYARYO na gampanan ang trabaho bilang mamamayahag na tulungan ang bayan na ilayo sa kasaluku­yang matinding problema ito ay walang iba kundi ang talamak na illegal gambling. Kaakibat din ang Reportorial News team ng HULI KA DYARYO sa probinsya ng Zambales na hadlangan ang mga illegal na aktibidad sa nasabing nasasakupan . Ipatigil na nawa nina Governor at ang mga nakatakalaga na mga PNP officials sa Zambales.

About The Author

Share the News