CALAPAN, Oriental Mindoro — Nakatanggap ang lalawigan ng kabuuang P585 na milyong halaga ng mga programa at serbisyo sa paglunsad ng pinakamalaking service caravan ng bansa na binansagang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).
Sa ilalim ng nasabing service caravan, layuning mabigyan ng kaukulang serbisyo ng pamahalaang nasyonal ang lahat ng 82 probinsya sa buong bansa, kabilang na ang isla ng Mindoro.
Sa paglulunsad ng BPSF sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sinalubong ang pamunuan ng Mababang Kapulungan ng mga kinatawan ng Occidental at Oriental Mindoro na sina Leody Tarriela, Arnan Panaligan, Alfonso Umali at Humerlito Dolor.
Ang pinagbubunying service caravan sa Oriental Mindoro ay ika-13 sa mga magkakasunod na yugto at bukod sa pagdalo ng mga mambabatas mula sa lalawigan, dinaluhan din ang aktibidad ng mga kongresista mula sa katimugang Luzon kasunod ng matagmupay na mga event sa Ilocos Norte, Leyte, Davao de Oro at Camarines Sur.
Ayon kay Ponyong Gabonada, deputy secretary general ng tanggapan ng House Speaker, mahigit 265 na serbisyo ang ipagkakaloob sa 50,000 mam amayan ng lalawigan sa pagtatanghal ng dalawang araw na aktibidad noong Marso 9 hanggang 10, 2024.
Hinayag pa ni Gabonada na umabot sa P278 milyong ayuda ang ipinamahagi sa mga benepisaryo ng proyekto na ang karamihan ay mula sa mahihirap na pamilya, mga magsasaka at mangiginsda at mga biktima ng oil spill noong 2023.
Naghatid din ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umabot sa ₱62 milyon para sa mahigit 28,000 indibiduwal sa ilalim ng programang Asistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Bukod dito, nagbigay din ang Department of agriculture (DA) ng makinaryang agrikultural na nagkakahalaga ng ₱145 milyon para sa mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka.
More Stories
MAKABAGONG MAKAPILI SA PCG