December 22, 2024

Babaeng Koreano inabuso ng kababayan nasagip ng Pasay Police

Isang babaeng Koreano na iniulat na inabuso ng isa pang Koreano ang nailigtas sa Pasay City, matapos i-alerto ng kanyang ama ang South Korean Embassy sa Pilipinas.
Ayon kay Pasay Police Investigation and Detective Management Section officer-in-charge Police Captain Dennis Desalisa, nagkita ang dalawa sa isang karaoke television (KTV) bar kung saan nagtatrabaho ang biktima.
“Nag-meet lang sila sa isang KTV kasi itong victim, tourist lang siya dito at dahil nagkulang siya ng pera allegedly, nag-work siya sa isang KTV dito sa Parañaque,” Ayon sa report
Sinasabing naka-droga ang biktima bago ito ginahasa ng suspek, ayon sa pagkakakuwento ng ama. Siya ay nailigtas sa isang condominium unit sa Pasay City, kung saan ang suspek, na tumangging magkomento, ay inaresto ng mga operatiba.
Narekober sa unit ang mga pakete ng hinihinalang shabu o methamphetamine at cocaine, kasama ang mga improvised paraphernalia.

About The Author

Share the News