Nagsampa ng cyber libel complaint si dating senador Kiko Pangilinan sa Department of Justice Office of Cybercrime laban sa isang YouTube channel creator gayundin sa mga opisyal ng YouTube at Google Philippines.
Sa kanyang complaint-affidavit, tinukoy ni Pangilinan ang YouTube channel bilang Bungangera TV kung saan ilang video na may malicious at libelous content laban sa kanya at sa kanyang pamilya ang na-upload.
Sinabi ni Pangilinan sa kanyang reklamo na ang mga video ay naglalarawan sa kanya bilang isang taong nang-aabuso sa kanyang asawa at mga anak.
“Dahil sa nasabing pampubliko at malisyosong imputasyon, nagdusa ako at patuloy na dumanas ng pinsala sa aking mabuting pangalan, reputasyon, at karera bilang isang pampublikong lingkod,” sabi ni Pangilinan sa reklamo.
“Ang publiko at malisyosong imputasyon ay nagdulot din ng malubhang pagkabalisa at stress sa akin at sa aking pamilya,” dagdag niya.
Sinabi ni Pangilinan na isinama niya ang YouTube at Google sa kanyang reklamo dahil sa hindi umano nila pagkilos sa kanyang napakaraming reklamo mula nang ma-upload ang mga video noong Disyembre ng nakaraang taon.
“This morning uli, pero since December nire-report na natin, so December noon March na ngayon, hanggang ngayon naka-upload pa rin, walang aksyon eh, parang, ang tingin ko rito arrogance na rin eh, masyado silang arogante, hinahayaan nila. iyong ganitong klase ng pagwawasak ng pagkatao,” Banggit nito
Nakipag-usap din si Pangilinan sa mga kumpanya na ang mga materyales sa advertising ay ipinapakita sa mga malisyosong video sa YouTube.
“Me mga social media, digital ads, advertising, mga kumpanya ito, pinag-aaralan namin ngayon, pakiusap natin sa mga kumpanyang ito ay busisiin ninyo ng husto kung saan napupunta yung mga digital advertising ninyo, kung ito ay napupunta sa mga channel na nagkakalat ng libel, pe-pwede silang maging liable for moral damages,” Pahayag ni Pangilinan.
PULITIKA, 2025 POLLS
Nang tanungin kung ang mga video ay na-upload din dahil sa pulitika, sinabi ni Pangilinan na ang nilalaman ay maaaring may motibo din sa pulitika kahit na siya ay kasalukuyang wala sa serbisyo ng gobyerno.
“Meron pa ring halong pulitika kasi kahit paano tayo naman ay naging kandidato noong nakaraan halalan, so maaaring meron, kasi noong natapos ang eleksyon hindi naman natapos ang paninira. Iyon din ang ipinagtataka ko,” Saad ng dating Senador
Sinabi ni Pangilinan, na nagsisilbi ring tagapangulo ng Liberal Party, na kasalukuyan silang nag-iikot sa bansa ngunit walang tiyak na plano kung ano ang gagawin para sa 2025 midterm elections.
“Nagpapalakas pa kami, at nagpapalawak pa, at nagpaparami pa, iyon lang ang ginagawa natin sa ngayon but of course at the right time we will announce iyong mga plano natin but hopefully we can provide alternatives para makapagpili ang ating mga kababayan,” Ayon PA nito.
More Stories
Kautusan laban kay Quiboloy nakahanda na ang PNP para ipatupad
Koreanong nanaksak ng aso na alaga ng restaurant, dinakip ng MPD
Lalaking sinaksak bunga ng alitan